Pangkat 4_Digital Portfolio - PDF to Flipbook
Published on Sep 05, 2026
Description:
Akademikong
Antropolohiya:
Akademikong
Antropolohiya:
Kompilasyon ng Tala-Saliksik ng mga Mag-AaralTTaallaaaann nngg NNiillaallaammaann
1.AABBSSTTRRAAKK
(Noong Baitang 11) (Noong Baitang 11)
2.BBUOD
((CChhooiiccee,, JJoolllliibbeeee))
33.. BBIIOONNOOTTEE
4.PPAANNUUKKAALLAANNGG PPRROOYYEEKKTTOO
5.KKAATTIITTIIKKAANN NNGG PPUULLOONNGG
6.LLAAKKBBAAYY--SSAANNAAYYSSAAYY
7.RREEPPLLEEKKTTIIBBOONNGG SSAANNAAYYSSAAYY
(Bilang P (Bilang Pangka angkat)t)
1.ABSTRAK
(Noong Baitang 11)
2.BUOD
(Choice, Jollibee)
3. BIONOTE
4.PANUKALANG PROYEKTO
5.KATITIKAN NG PULONG
6.LAKBAY-SANAYSAY
7.REPLEKTIBONG SANAYSAY
(Bilang Pangkat)Abstrak
Gumawa: A. Yburan pahina 01
01. BCM Pangkat 09
Ang kwalitatibong pananaliksik na ito ay isang case study na nagsusuri ng
pananaw ng mga estudyanteng nasa ika-11 na baitang tungkol sa
biyolohikal na epekto ng e-sigarilyo. Layunin ng pag aaral na ito na
matuklasan ang mapanganib na puwang sa pagitan ng kanilang pag-unawa
at sa aktwal na biyolohikal na karanasan ng mga kabataan, na hindi
madalas napapansin. Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga semistructured na panayam natukoy namin ang anim na pangunahing tema:
limitadong kaalaman tungkol sa respirasyong panganib at paggamit ng
vaping upang maibsan ang stress na impluwensya ng mga panghihikayat
sa social media. Itinatampok ng pag aaral na ito na tugunan ng mga
susunod na pag-aaral ang mga tiyak na interbensyon sa paaralan na
tumutok sa kalusugang pangkaisipan at sa partikular na papel ng digital
media sa paghubog ng mga gawi na ito.
Mga Susing Salita: kwalitatibong pananaliksik, case study, biyolohikal na
epekto ng e-sigarilyo, ika-11 na baitang, respirasyong panganib
“Grade 11 Perceptions of Biological Vaping
Effects: An Arduino Qualitative Case Study”Abstrak
Gumawa: L. Garrido pahina 02
02. BCM Pangkat 10
Malaki ang naiambag ng kantin ng paaralan sa gawi ng mga mag-aaral sa pagkain, ngunit kadalasan ay
nabibigo itong suportahan ang malusog na pagkain. Bagaman alam ng mga mag-aaral kung ano ang
malusog, may mga salik tulad ng kakayahang pambili at pagkakaroon ng malusog na pagpipilian ang
nagtutulak sa kanila upang laktawan ang pagkain o pumili ng hindi masustansyang pagkain, na
nagpapakita ng agwat sa pagitan ng kamalayan ng mga mag-aaral at ng aktwal na pagpapasya. Ang mga
naunang pag-aaral ay mas nakatuon sa kaluguran ng mga mag-aaral kaysa sa kanilang personal na
karanasan at pananaw.
Layunin ng pag-aaral na ito na siyasatin ang persepsyon ng mga mag-aaral sa senior high school hinggil
sa kanilang gawi sa pagkain sa loob ng kantin ng paaralan. Ginamit ang focus group discussion upang
makalikom ng malalim na kaalaman mula sa mga mag-aaral sa senior high school na madalas kumain sa
kantin. Nakalap ang datos sa pamamagitan ng mga gabay na katanungan na nagbigay-daan sa mga
kalahok na ibahagi ang kanilang personal na karanasan o opinyon hinggil sa kanilang pagpili ng pagkain.
Sinuri pagkatapos ang mga sagot upang matukoy ang karaniwang mga tema na lumitaw mula sa nakalap
na datos.
Ang mga resulta ay kinodigo batay sa mga inuulit na tema na lumitaw sa mga sagot ng kalahok.
Isinagawa ang etikal na konsiderasyon sa pamamagitan ng pagbibigay-alam sa mga kalahok tungkol sa
layunin, metodo, at mga katanungan ng pag-aaral bago ang FGD. Sa ganitong paraan, nakuha ang
kanilang kusang pagsang-ayon, at tiniyak sa kanila ang kanilang karapatan umatras anumang oras,
gayundin ang pagpapanatili ng pagkapribado at pagiging kumpidensyal sa buong proseso. Ipinakita ng
mga natuklasan ang ilang salik na nakakaapekto sa pagpili ng mga mag-aaral ng pagkain. Ang mga salik
na pang-ekonomiya, kabilang ang limitasyon sa badyet at mataas na presyo, ay humahadlang sa akses
ng mga mag-aaral sa mas malusog na pagpipilian ng pagkain, samantalang ang di-magandang kalagayan
ng kantin at limitadong pagpipilian ng pagkain ay nagdudulot ng kawalang-kasiyahan. Ang mga personal
at panlipunang salik, tulad ng kaginhawaan, paghahangad, kagustuhan sa lasa, at impluwensya ng mga
nakakasama, ay nakakaapekto rin sa desisyon ng mga mag-aaral, na kadalasan ay nagtutulak sa kanila na
piliin ang kaginhawaan sa halip na sustansya.
Iminumungkahi ng pag-aaral na bagaman may batayang kaalaman ang mga mag-aaral hinggil sa malusog
na pagkain, hindi ito palaging isinasabuhay dahil sa iba't ibang limitasyon. Inirerekomenda ang mas
malalim na pananaliksik sa hinaharap upang higit pang tuklasin ang epektibong mga estratehiya sa
pagpapabuti ng nutrisyon sa loob ng kantin ng paaralan, lalo na sa pagpapagaan ng mga limitasyong
kinakaharap ng mga mag-aaral sa paggawa ng mas malusog na pagpipilian.
Mga Susing Salita: focus group discussion, senior high school, personal na karanasan at pananaw
“A QUALITATIVE CASE STUDY ON THE PERCEPTIONS OF MARIST SCHOOL
SHS STUDENTS ON EATING PRACTICES INSIDE THE SCHOOL CANTEEN”Hango sa maikling pelikula ng Jollibee, may
tatlong tauhan na nasa isang “ love triangle “
.
Ang pangunahing karakter na si Ann ay may
dalawang lalaki na nilalaman ng puso niya — si
Paul at si Jay. Si Paul ang dati niyang kaklase na
tagahanga niya mula kolehiyo, habang si Jay
naman ang katrabaho niya na kasalukuyang
niyang manliligaw.
Gum pahina 03
awa: M. Elamparo
SSIINNOOPPSSIISS
Choice - Jollibee
Dahil sa naturang sitwasyon si Ann ay naipit sa pagdedesisyon kung sino ba talaga ang
nararapat sa kanyang puso. Sa pag usad ng kwento, inihayag na lubusang naibigan ni
Ann si Jay at tuluyan na siyang sinagot bilang kasintahan upang magsimula muli.
Kalaunan isiniwalat din na si Paul ang boyfriend ni Ann na namatay sa aneurysm kaya’t
nahirapan siyang gumawa ng desisyon. Sa huli, napagtanto ni Ann na kahit na gusto
niyang manatili sa pinanghahawakan niyang pagmamahal sa nakaraan, maaari pa rin
umusad at tumanggap ng pagmamahal na nakakapagpasaya sa kanya.Gumawa: Buong pangkat pahina: 05
BBIIOONNOOTTEEGumawa: Buong Pangkat pahina: 04
BBIIOONNOOTTEEGumawa: Buong Pangkat pahina: 04
BBIIOONNOOTTEE